LIGTAS | DFA, kinumpirmang walang Pilipinong nadamay sa pagsabog ng bulkan sa Guatemala

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nadamay sa pagsabog ng Volcan de Fuego sa Guatemala.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Mexico sa Filipino community doon para tiyakin ang kanilang kaligtasan.

Inaalam na rin kung nangangailangan ng assistance ang higit 200 Pilipino na nandoon.


Base sa mga ulat, aabot sa 1.7 million na tao ang apektado ng sakuna habang nasa 3,000 residente na ang inilikas.

Nagpaabot na ng simpatya ang Pilipinas sa Guatemala.

Facebook Comments