LIGTAS | DFA, kinumpirmang walang Pinoy casualties sa lindol sa Papua New Guinea

Manila, Philippines – Nakikiramay ang Pilipinas sa Papua New Guinea matapos ang nangyaring lindol sa nasabing bansa.

Matatandaang magkasunod na niyanig ng magnitude 7.5 at magnitude 6.8 na lindol ang Papua New Guinea nuong isang linggo kung saan mahigit sa 100 na ang naitalang nasawi.

Ayon kay Ambassador Bienvenido Tejano, patuloy parin silang nakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa naturang bansa upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.


Kasunod nito, nangako si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol matapos makipagpulong kay Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill na magbibigay ng 1,000 sako ng bigas at 40-Foot Container na naglalaman ng mga canned goods para sa mga nabiktima ng lindol.

Sa pinakahuling datos ng DFA mayroong 36,000 Filipinos na nagtatrabaho at naninirahan sa Papua New Guinea at tinatayang 300 Pinoy naman ang nasa kalapit na Solomon Islands.

Facebook Comments