LIGTAS | Isa sa apat na bihag sa Sulu, pinalaya ng Abu Sayyaf

Zamboanga City – Pinalaya na kahapon alas kwatro ng hapon ng mga Bandidong Abu Sayyaf ang isa sa apat na kanilang bihag na lalake.

Sa impormasyon nakuha si Faisal Hambali, pinalaya ng kanyang mga kidnapper sa Sitio Daang Puti Barangay Bangkal Municipalidad ng Patikul lalawigan ng Sulu.

Sariling pamilya niya ang nagdala sa kanya sa Joint Task Force Sulu upang ipaalam ang kanyang paglaya at magsagawa ng custodial de briefing


Matatandaan noong Abril 29 nitong taon dinukot si Faisal kasama ang dalawang policewoman habang sakay sila sa isang tricycle mula patikul papuntang jolo nang bigla na lamang silang harangin ng labing isang armadong miembro ng Bandidong Abu Sayyaf sa ilalim ng pamumuno ni Mujir Yada.

Dinukot si PO2 Bennie Rose Alvares, PO1 Dinah Gumahad at si Jakosalem Ahamad Blas.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang operasyon militar upang mabawi ang natitirang mga bihag.

Facebook Comments