LIGTAS | Isang barangay kagawad sa Cebu, nakaligtas sa pananambang

Cebu City – Inaalam na ng pulisya kung totoong pulis ang isa sa mga suspek sa pananambang kay Barangay Tejero kagawad na si Jessielou Cadungog sa Cebu City.

Ayon sa Cebu City Police Office, inamin ng isa sa mga naarestong suspek na si Michael Banua na isang pulis ang kasama niyang gunman.

Matatandaang sakay noon ng kaniyang sasakyan si Cadungog nang tangkaing tambangan sa bahagi ng T. Padilla extension kanto ng Alviola Street.


Maswerteng nakaligtas ang kagawad nang mapatay ng kaniyang bodyguard ang isa sa mga gunman na umano ay isang PO2.

Facebook Comments