Manila, Philippines – Nasa full alert status na ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagpapatupad ng “Ligtas Paskuhan 2017” sa buong bansa.
Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipino ngayong holiday season.
Ayon kay PNP spokesperson Sr./Supt. Dionardo Carlos – lahat ng pulis ay naka-duty mula alas 5:00 ng hapon ng December 24 hanggang alas 5:00 ng umaga sa December 25.
Ganito rin sa bisperas ng Bagong Taon sa December 31 at January 1, 2018.
Bagama’t pinapayagang mag-leave ng isa hanggang tatlong araw, kailangan pa rin nilang mag-report sa pinakamalapit na police station sa kanilang lugar.
Kasabay nito, nanawagan din ang PNP sa New People’s Army na huwag gumawa ng karahasan ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Facebook Comments