Nagpasalamat ang Department of Foreign Affairs sa Iraqi government dahil sa matagumpay na pagkakaligtas sa 2 Pinay na una nang napaulat na dinukot noong Biyernes
Sa ulat ng Philippine Embassy sa Baghdad, nasa ligtas nang kalagayan at hawak na ngayon ng mga otoridad ang 2 pinay matapos silang marescue sa Diyala Province nuong Sabado.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano hindi magiging matagumpay ang rescue mission kung wala ang tulong ng Iraqi authorities.
Sa report ni Chargé d’Affaires Julius Torres sa DFA sinabi nitong hawak na ng mga otoridad sa Iraq ang ilang nasa likod ng pandurukot at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito
Sinabi din ni Torres na hiniling narin nila sa Iraqi authorities na magkaroon ng access sa 2 nasagip at sa 2 pang pinay na una nang nakatakas sa abduction.
Base sa mga ulat, ang 4 na Pinay ay mula sa Erbil, Northern Kurdistan Region at patungo nang Baghdad nang ma-encounter nila ang sasakyan ng mga armadong grupo.
Sa ngayon, naghain narin ng request ang Embahada natin para sa kustodiya ng 4 na pinay para sa kanilang agarang repartriation.
Tinatayang nasa apat na libong ofws ang nagttrabaho at naninirahan sa Iraq kung saan 3,000 dito ang nakabase sa Kurdistan.