LIGTAS NA | 2 Taiwanese na dinukot ng sindikatong Chinese, nasagip!

11

Nailigtas ng mga awtoridad sa Las Piñas City ang dalawang Taiwanese na dinukot ng anim na Chinese national na kanilang pinagkakautangan.

Nahaharap ngayon sa kasong kidnap for ransom ang mga suspek na sina Zhikun Guo, Jie Xiao, Huan Yang, Weiping Wang at Xhaojun Ma.

Sa imbestigasyon, dumating sa bansa sina Chang-Ping Sha at Hua-Pin Yuan noong Disyembre 2 para maglaro sa casino.

Pero nagkautang sila sa mga Chinese ng P14 milyon kaya Disyembre 3 nang puntahan sila sa kanilang hotel saka dinala sa bahay sa Las Piñas at ipinatubos sa kanilang mga kaanak.

Dito na humingi ng tulong ang pamilya ng mga biktima sa pulisya kaya ikinasa ng Philippine National Police (PNP) ang isang rescue team.

Facebook Comments