LIGTAS NA | 4 na miyembro ng soccer team na na-trap sa loob ng kweba sa Thailand, nasagip na

Thailand – Tuluyan nang nailabas ang unang apat na mga miyembro ng soccer team at kanilang coach na na-trap sa loob ng isang kweba sa Thailand sa loob ng mahigit dalawang linggo.

Nagdesisyon ang mga rescuers na ituloy ang operasyon dahil sa pangambang tumaas ang lebel ng tubig sa loob ng kweba.

Agad na idinala sa ospital ang mga nasagip na bata.


Ipinagmamalaki ng Thai authorities na naging “very smooth” ang rescue operation.

Sa ngayon, mayroon pang siyam na nananatili sa loob ng kweba na kailangang iligtas.

Facebook Comments