LIGTAS NA | 40 distressed Filipino truck drivers sa Germany at Poland, hawak na ng DFA

Manila, Philippines – Nailigtas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 40 distressed Filipino truck drivers sa Germany at Poland mula sa mahirap nilang trabaho at pamumuhay.

Ayon sa DFA, ang mga Pinoy drivers ay binigyan ng pansamantalang bahay at pagkain ng embahada kung saan hindi na idinetalye kung ano ang pinagdaanang hirap ng mga OFW sa kanilang trabaho pero maaaring biktima sila ng human trafficking.

Dagdag pa ng DFA, tinutulungan ng mga tauhan ng embahada sa Berlin at Warsaw ang mga Pinoy sa kanilang kondisyon kung saan nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Geneva, Switzerland sa mga employers ng mga Pinoy truck drivers.


Una rito, 22 Pinoy truck drivers sa Denmark naman na nakaranas ng parehong kondisyon ang nailigtas din ng mga opisyal ng DFA.

Facebook Comments