Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng United States Navy Ship Wally Schirra sakop sa karagatan ang limang mangingisda sa bisinidad ng Scarborough Shoal matapos ang limang araw na palutang-lutang sa karagatan.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo matapos makatanggap ng information mula sa Duty Operator ng Subic Port Control na team leader na si Mr. Ebner Alberto ay agad na nagtungo sa lugar lulan ng PCG’s Diesel Fast (DF)-313 upang sunduin ang mga mangingisda na nasagip ng US Navy Ship.
Paliwanag ni Balilo ang mga survivors ay ligtas naman na nailipat at dinala na sa Coast Guard Station Subic para sa agarang medical attention at investigation kung saan nakauwi na ang mga ito sa kani-kanilang pamilya.
Napag-alaman sa investigation na ang limang mga mangingisda na sina Mr. Jimmy Batiller, 42-anyos; Mr. Jully Ojeda, 43-anyos; Mr. Abel Lim, 28-anyos; Mr. Arkei Gantala, 25-anyos at Mr. Lourence Asis, 22-anyos, kapwa residente ng Purok 6, Barangay Calapacuan, Subic, Zambales na ganap alas 7 P.M noong October 3, ang kanilang bangka na “J&J” ay dinuggol dunggol na 70-80 kilos na blue marlin na naging dahilan kung bakit lumubog ang kanilang sasakyang pandagat.
Naka survived ang mga mangingisda dahil gumamit sila ng mga walang laman na gallons at styrofoam at palutang-lutang sila sa karagatan.