Naval, Biliran – Swerteng nakaligtas ang limang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG-Naval) matapos na tumaob ang sinasakyang speedboat sa bahagi ng Barangay Jamorawon, Almeria, Biliran.
Sa ulat, reresponde sana ang mga nasabing coast guard sa nadisgrasyang yate sa bahagi ng Masbate sa isla ng Maripipi nang salubungin ang kanilang sinasakyang bangka ng mga malalaking mga alon.
Dahil dito, tumaob ang kanilang sinasakyang bangka.
Gumamit pa ng helicopter ang Office of Civil Defense (OCD) para sa search and rescue operation kung saan agad din nilang nailigtas ang limang coast guard na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.
Facebook Comments