LIGTAS NA BAGONG TAON | Malacanang, umapela sa publiko

Manila, Philippines – Umaapela ang Malacañan sa publiko na iwasan na gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong sa taong 2018.

Sa ipinalabas na statement ng Office of the Executive Secretary, ipatutupad ng mga Local Government Units ang community fireworks display alinsundo sa executive order 28.

Ipinagbabawal ang paggamit ng mahigit na dalawang gramo ng pulbura ng sulfur o phosphorus na may halong chlorates.


Kabilang dito ang Piccolo, Super Lolo, Whistle Bomb, Goodbye Earth at Atomic Big Triangulo.

Pinahihintulutan naman sa ilalim ng Republic Act 7183 ang paggamit ng Baby Rocket, Bawang, Small Triangulo, Pulling of Strings, Kwitis, El Diablo, Watusi at Sintron ni Hudas.

Pwede ring gamitin ang sparklers tulad ng Lusis, Fountain, Jumbo Regular and Special, Trompillo, Airwolf, Butterfly at Roman Candle.

Facebook Comments