Muling ipinanawagan ni three-term Senator Loren Legarda na dapat tiyakin na ligtas ang pagbabalik eskwela.
Ito ay matapos na aprubahan na kamakailan ng Inter-Agency Task Force ang isandaang porsyentong kapasidad ng in-person classes ng Higher Education Institutions (HEIS) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1.
Ayon sa senadora, sang-ayon din siya na ang mga fully vaccinated teachers, non-teaching personnel at students muna ang lumahok sa in-person classes para na rin sa kanilang kaligtasan.
Kasunod nito, sinabi din ni Legarda na dapat paigtingin pa ang pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensiya kagaya ng Commission on Higher Educations, Department of Health, pamunuan ng mga unibersidad, Local Government Units at mga magulang ng estudyante.