Ligtas na biyahe, tiniyak ng Angkas at JoyRide

Ikinalugod ng motorcycle hailing companies ang pag-apruba ng pamahalaan na muling ipagpatuloy ang pilot run ng motorcycle taxis kung saan pinapayagan muli silang tumanggap ng mga pasahero matapos ang ilang buwang suspensyon bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angkas Chief Transport Advocate George Royeca, nangako sila na magbibigay sila ng ligtas na paraan ng transportasyon para sa mga commuter, lalo na at mababa pa rin ang kapasidad sa mga pampublikong transportasyon.

Handa na nilang i-activate ang 30,000 strong partner riders nito.


“Transportation is at the core of the reopening of the economy and it has always been the advocacy of Angkas to provide inclusive transportation safely to the public, especially at this time when 60 percent of the workforce need to go back to work and only 40 percent of public transport is available,” sabi ni Royeca.

Tiniyak naman ni JoyRide Vice President for Corporate Affairs Noli Eala na tatalima sila sa lahat ng health at safety protocols na ipinapatupad ng pamahalaan para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

“With the resumption of the motorcycle taxi services particularly during this very difficult time of the pandemic, JoyRide is confident that we will continue to provide safe, efficient, reliable, and affordable transport options for the riding public as well as livelihoods to our rider partners,” sabi ni Eala.

Pinasalamatan ng motorcycle hailing companies ang pamahalaan sa kanilang tiwala sa pagpapahintulot muling makapamasada ang motorcycle taxi bikers, na nawalan ng trabaho dahil sa health crisis.

Bukod sa Angkas at JoyRide, pinayagan din ng pamahalaan na makapag-operate sa ilalim ng pilot study ang bike hailing firm na Move It.

Una nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na handa nilang ipatupad ang desisyon anumang oras kapag natanggap na nila ang guidelines ng National Task Force (NTF) para sa ipapatupad na minimum health standards sa motorcycle taxi operations.

Facebook Comments