LIGTAS NA BYAHE, HATID NG BAGONG BABANUANG BRIDGE SA SAN MANUEL, ISABELA

CAUAYAN CITY – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang matagumpay na pagkakatapos ng Babanuang Bridge na matatagpuan sa Santiago–Tuguegarao Road, Barangay Babanuang, San Manuel, Isabela.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, batay sa ulat ni Region II Director Mathias L. Malenab, ang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱48.5 milyon at nilayon nitong palitan ang lumang tulay na delikado na para sa regular na paggamit.

Ang bagong tulay ay may matibay na bored pile foundations, pinalakas na estruktura, at bagong approaches na konektado sa kasalukuyang kalsada upang mapadali at gawing mas ligtas ang biyahe ng mga motorista at transport vehicles.

Ito ay bahagi ng Build Better More program ng administrasyong Marcos Jr. na isinusulong upang mapaunlad ang mga pangunahing imprastruktura sa buong bansa.

Facebook Comments