Ligtas na canvassing para sa pangulo at pangalawang pangulo ng bansa, tiniyak ng Kamara

Tiniyak ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kaligtasan ng mga kongresista, senador at mga tauhan sa isasagawang canvassing para sa pampanguluhang halalan.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, may back up plan na binuo ang Kamara upang masigurong hindi magiging superspreader event ang gaganaping canvassing.

Ibabatay rin ang mga safety policy ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa guidelines na ilalabas ng Kamara sa mga personal na sasaksi sa canvassing.


Bagama’t bukas ang canvassing para sa lahat ng mga mambabatas, hindi rin naman lahat ng kongresista at senador ay pupunta rito.

Sa Mayo 23 ang canvassing sa Kamara kung saan magco-convene ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang National Board of Canvassers o NBOC-Congress para sa bilangan ng boto ng pangulo at pangalawang pangulo.

Facebook Comments