LIGTAS NA | Dinukot na Ina at kapatid ng Mayor ng Talipao Sulu, nailigtas na

Sulu – Ligtas na ang kapatid at ina ni Talipao Sulu Mayor Nebukadnezar Tulawie matapos na tangayin ng 20 mga miyembro ng Abu Sayyaf Group mula sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Edelyn Tulawie, 27 anyos kapatid ni Mayor Tulawei at Addang Tulawie, 57 anyos nanay ni Alkalde.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, napilitang palayain ang mga biktima dahil sa walang tigil na operasyon ng militar sa lugar.


Dinukot aniya ang mga bikitma alas-2:20 ng madaling araw kahapon at nailigtas din agad ng tropa ng Joint Task Force Sulu, Barangay Peacekeeping action team at Talipao PNP alas-6:00 ng gabi kagabi.

Tiniyak naman ng militar na magpapatuloy ang kanilang pagtugis sa Abu Sayyaf Group sa Sulu upang mailigtas pa ang mga natitira nilang bihag.

Sa ngayon kabuuang 11 bihag pa ang hawak ng ASG.

Facebook Comments