LIGTAS NA | Halos 80 mga babae, nasagip mula sa prostitusyon

Pampanga – Nasagip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 78 mga babae mula sa prostitusyon sa isang bar sa Angeles, Pampanga.

Ayon kay Atty. Elizaldo Beltran, Assistant Regional Chief ng NBI-Central Luzon, maaaring isama ng mga parokyano ang mga babae palabas ng establisimento kapalit ng “Bar Fine” na P3,000,

Inaresto naman sa operasyon ang cashier at umano ay bugaw ng mga babae na tumanggap ng marked money para sa “extra service”.


Pinaghahanap naman ang dalawang Korean nationals at live-in partner ng isa sa kanila na itinuturong operator ng bar.

Sabi ni Beltran, lahat naman ng mga babaeng nasagip mula sa lugar ay 18-anyos pataas na karamihan sa kanila ay hindi nakapagtapos sa high school.

Agad rin namang pinakawalan ang mga babae matapos kuhanan ng statement.

Facebook Comments