LIGTAS NA | Isang engineer ng DPWH na dinukot ng Abu Sayyaf, nakalaya na

Sulu – Nakalaya na ang isa sa mga bihag ng Abu Sayyaf group sa Sulu.

Nakilala ito na si Engineer Enrico Nee ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, pinalaya ang kidnap victim sa Barangay Latih, Patikul, Sulu.


Nabatid na dinukot si Nee noong February 14, 2018 ng Abu Sayyaf sa Kasalamatan Village, Barangay San Raymundo, Jolo, Sulu habang patungo sa kanyang trabaho sa DPWH District 1 office.

Sa kwento ni Nee nahihirapan na ang ASG sa kanilang galaw dahil sa kanyang health condition kaya napilitan na sila na siya ay palayain.

Facebook Comments