LIGTAS NA | JERON TENG AT DALAWANG KASAMA, NASA OSPITAL PA RIN

Nasa ligtas ng kalagayan ang mga PBA player na sina Jeron Teng (Alaska) at Norbert Torres (Rain or Shine) maging ang dating ka-teammate nila sa De La Salle University na si Thomas Torres.
Ito’y matapos silang pagsasaksakin ng tatlong suspek na kinilalang sina Edmar Manalo, Joseph Varona at Willard Basil na kanilang naka-alitan sa labas ng Early Night Bar sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Depensa naman ng mga suspek na self-defense ang kanilang ginawa dahil nauna umanong umatake ang grupo ni Teng, pero hindi naman nila maipaliwanag kung bakit sila may mga bitbit na patalim.
Nagtamo ng saksak sa likod at tagiliran si Teng habang sa braso naman ang tama nina Norbert at Thomas kung saan nananatili sila ngayon sa St. Luke’s medical center.

Facebook Comments