Ligtas na labor recruitment ng mga FIlipino health workers sa Singapore, tiniyak ng pamahalaan

Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas at patas ang magiging labor recruitment ng Filipino health workers sa Singapore.

Sa Malacañang Insider, sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na suportado kasi ng Singapore ang inisyatibong ito ng pamahalaan.

Kikilalanin din ng Singapore ang mga credentials at training credits na nakukuha ng health workers sa kanilang mga pagsasanay sa Pilipinas.


Paalala naman ng kalihim na makipag-transaksyon lamang sa mga DMW-licensed recruiters.

Ang mga ito kasi aniya ang poprotekta at magiging responsable sa magiging kalagayan ng Filipino health workers na magtatrabaho sa Singapore.

Facebook Comments