LIGTAS NA | Mahigit 100 passenger-cargo vessel na nasiraan, nailigtas ng PCG

Malay, Aklan – Umaabot sa 142 passengers ang matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na masiraan ang passenger-cargo vessel sa karagatang sakop ng Caticlan Anchorage in Malay, Aklan.

Ayon kay PCG Spokesman Capatain Armand Balilo ang MV Super Shuttle Ferry 18 ay umalis mula sa Roxas, Mindoro ganap na alas 3A.M kahapon na lulan ng mga pasahero at 7 rolling cargoes at habang papunta sa Caticlan Jetty Port, ay hindi inaasahang nagkaroon ng engine trouble ang naturang barko.

Paliwanag ni Balilo nang matanggap ang ulat ay agad nagsagawa ng Joint Operation ang Coast Guard Station (CGS) Aklan, Coast Guard Sub-Station Boracay at Special Operations Force at sa tulong na rin ng Multi-Role Response Vessel, BRP Cape Engaño (MRRV 4411) at patrol boat mula France, BRP Boracay (FPB 2401) ay agarang nasagip ang mga pasahero kabilang ang 135 adults, apat na mga bata at tatlong sanggol na nadala na sa Pantalan ng Barangay Caticlan at lahat ay nasa mabuting kalagayan.


Facebook Comments