LIGTAS NA | Mahigit 70 pasahero at crew ng motor banca nasagip ng PCG sa Albay

Albay – Inihayag ni PCG Spokesman Captain Armand Balilo na na-rescue ng kanilang personnel ng Coast Guard Sub-Station Rapu-Rapu ang 78 pasahero at 7 crew na sakay ng motor banca “Er-Chrissa” na pumapalaot sa bisinidad ng Pagol Island, Rapu-Rapu, Albay.

Ayon kay Balilo nakatanggap ng report mula sa Coast Guard Sub-Station ng Rapu-Rapu lulan ng motor banca ng “Sta Teresa” papuntang Rapu-Rapu Port, Barangay Poblacion, Rapu-Rapu, Albay, na naispatan ang naturang motor banca nannagkaroon ng trouble na nakatawag pansin ng sub-station para sa rescue operations.

Paliwanag ni Balilo nagsagawa ng search and rescue team ng coast guard sub-station Rapu-Rapu lulan ng aluminum boat kung saan 203 ang nagsagawa ng search and rescue operations at matagumpay nilang nasagip ang motor banca.


Matagumpay nailipat ang lahat ng mga pasahero at crew sa motor banca “Sta Teresa” matapos maidaong ang mga pasahero sa Rapu-Rapu Port na nasa mabuting kalagayan.

Facebook Comments