LIGTAS NA MGA BENTANG KARNE, TINIYAK NG MGA MEAT VENDORS SA DAGUPAN CITY

Tiniyak ng ilang meat vendors sa Dagupan City partikular dito po sa Malimgas Public Market ang ligtas at sariwang bentang mga karne sa kanilang ibinebenta sa mga mamimili.
Ang kanilang mga naiaangkat na mga karne ay nagmumula pa sa bayan ng Mangaldan dahil doon umano ang slaughterhouse. Hindi naman basta basta na irerelease ang mga karne hanggat walang permit o pag-apruba ang nakatalagang ahensya na siyang magbibigay signal kung ligtas nga ba ang maibebenta.
Ayon pa sa ilang tindera, araw araw nagkakaroon sa Malimgas Public Market mismo ng inspeksyon ng mga karne ng City Veterinary upang siguraduhin na walang bantang sakit ang maidudulot ng mga bentang karne.

Dagdag din ng meat vendors ang kanilang kooperasyon na kung hindi sila pinapayagang maibenta ang mga karne, ay sumusunod umano ang mga ito dahil sa mahigpit ang inspeksyong isinasagawa.
Samantala, walang kaso ng ASF o african Swine fever ang naitatala pa rito sa lungsod dahil masusi ang monitoring at inspeksyon umano sa mga ito upang makaiwas sa mga maaaring sakit dulot nito. |ifmnews
Facebook Comments