LIGTAS NA | Nasaksak na Pilipinong nurse sa Saudi Arabia, nasa maayos na ang kondisyon

Saudi Arabia – Stable na ang kondisyon ng Pinoy nurse na pinagsasaksak habang naka-duty sa isang ospital sa Saudi Arabia.

Ayon kay Consul General Edjar Badajos, naka-duty noon ang 29 anyos na si Rolando Mina sa emergency room nang atakihin ng 22 taong gulang na Saudi national.

Hawak na ng mga otoridad ang suspek na patuloy na iniimbestigahan at inaalam ang motibo nito.


Kasabay nito, binigyan ng Saudi Ministry of Health ng security guard si Mina para sa kanyang seguridad.

Tiniyak rin Ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magbibigay rin sila ng tulong pinansyal kay Mina.

Facebook Comments