Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na matiyak ang pagkakaroon ng ligtas na online procurement system.
Ayon sa pangulo, dapat matiyak na mayroong safeguard sa pagbili online lalo na sa mga insidenteng pagbili ng mga produkto at pagkatapos ay mali ang darating na item o ‘di kaya naman ay walang laman na item ang kahon.
“So, to safeguard against that, kailangan accredited ‘yung kausap natin,” ayon sa pangulo.
Nagbabala din ang pangulo sa overpricing.
“We know that… goods that might be overpriced. There are already some exploitation of market power by preventing competitors from coming in,” he said.
Una ng inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) na ang kanilang Procurement Service ay nakatakdang maglunsad ng e-Marketplace sa ilalim ng Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) para sa pagbili ng gobyerno ng mga sasakyan.
Ipinakita ng DBM kay Pangulong Marcos sa Cabinet sectoral meeting ang panukalang pag-amyenda sa Republic Act No. 9184 o “Government Procurement Reform Act.”
Nakikita ng pangulo na magandang practice at maaaring gayahin ang e-Marketplace for government procurement ng Indonesia.
Kaugnay nito sinabi ni Commission on Audit (COA) Chairperson Gamaliel Cordoba na isasama nila sa nakatakdang bilateral meeting sa Audit Board of Indonesia si Executive Director Dennis Santiago ng PS-DBM.
Sa nasabing bilateral meeting ay tatalakayin ang istratehiya ng Indonesia sa pagpapatupad nila ng e-Marketplace
Kumpiyansa si Cordoba na makatutulong sa bansa kung magagawa din ang e-Marketplace na pinaiiral sa Indonesia dahil maiiwasan ang ang mga maling hakbang sa public procurement.