Ligtas na pagbabalik-bansa ng mga pinoy sa Libya, pinapatiyak ng isang Senador

Pinapatiyak ni Senator Sonny Angara sa pamahalaan ang ligtas na pagbabalik sa bansa ng mahigit 3,000 pilipinong naiipit ngayon sa sigalot sa Libya.

Kaugnay nito ay hinimok din ni Angara ang mga Pinoy workers na agad sumunod sa panawagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na boluntaryong magbalik pilipinas dahil nasa kainitan na ang gulo sa Libya.

Pahayag ito ni Angara makaraang itaas ng DFA sa level III ang alerto nito para sa mga pilipinong nasa Libya, na nangangahulugang kailangang sumailalim ng mga ito sa voluntary repatriation.


Dagdag pa ni Angara, dapat din na sigurduhin ang ayuda ng pamahalaan sa mga pilipinong babalik sa bansa.

Sa ilalim aniya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) law ay may mga benepisyong dapat ibigay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) tulad ng gender-responsive integration program, repatriation assistance, loan and credit assistance, on-site worker assistance, death and disability benefits, health care benefits, education and skills training, social services at family welfare assistance.

Facebook Comments