Ligtas na pagbubuntis kahit nagsu-surf, tiniyak ng aktres na si Andi Eigenmann

Hindi mapigilan ang actress-model na si Andi Eigenmann sa pagsu-surfing nitong Semana Santa.

Ito ay kahit pa anim na buwang buntis na siya sa kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo.

Makikita sa instagram post ni Philmar na masayang-masayang sila ni Andi sa surfing activity at bonding time kasama ang kanyang pamilya.


Kasabay nito, marami ang nagpahayag ng pagkatakot para sa ipinagbubuntis ni Andi.

Pero pagtitiyak ng aktres, apbrubado daw naman ng kanyang doktor ang pag-surfing niya.

Say nito, isang paraan daw ito ng kanyang pag-ehersisyo pero hindi niya ipinapayo sa mga kapwa buntis na siya ay gayahin.

Dagdag pa ni Andi, batay-sarado naman siya ng kanyang doktor at ng kanyang partner na isang professional surfer.

Facebook Comments