LIGTAS NA PAGBYAHE NGAYONG UNDAS, TINIYAK SA REGION 1

Patuloy na binabantayan ang disposisyon ng mga bumabyaheng sasakyan sa Ilocos Region bilang paghahanda sa seguridad ng mga mananakay at motorista sa paggunita ng Undas ngayong taon.

Ayon sa Land Transportation Office Region 1, bahagi ng direktiba na tiyakin na tumatalima sa mga safety at operational standards ang mga terminal sa rehiyon.

Target din na mahinto ang pagbyahe ng mga hindi awtorisadong sasakyan sa ilalim ng operasyon para sa Anti-Colorum at masampolan ang mga hindi rehistradong sasakyan base sa ‘No Registration, No Travel’ Policy.

Tinitignan din ang kakayahan ng mga sasakyan na bumyahe upang maiwasan ang mga depekto na maaaring magdulot ng aksidente.

Patuloy din ang layunin na mapataas ang kamalayan ng mga motorista ukol sa responsable at disiplinadong paggamit ng kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments