Ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon, ipinaalala ng Senado

Umapela si Health Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na salubungin ng ligtas ang Bagong Taon.

Hinimok ni Go ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon na lamang ng ligtas na lugar para sa fireworks display at pagpapaputok.

Sinabi ng senador na sa ganitong paraan ay mas magiging ligtas ang pagdiriwang ng Bagong Taon at maiiwasan ang disgrasya lalo na sa mga bata.


Ipinagmalaki ni Go na nagawa na nila sa Davao City ang masaya at maayos na pagsalubong sa Bagong Taon nang hindi gumagamit ng paputok.

Pakiusap din ng mambabatas sa publiko na sumunod sa batas kung ano lang ang pinapayagan at dumistansya sa mga tao para iwas disgrasya sa pagsalubong sa 2023.

Facebook Comments