Ligtas na pagtawid ng mga Pinoy sa Rafah border, nais matiyak ng DFA mula sa bansang Israel at Egypt

Nanawagan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansang Israel at Egypt na tiyaking ligtas ang paglabas ng mga Pinoy na nasa Gaza.

Sinabi ni DFA Spokesperson Teresita Daza, tuloy-tuloy raw ang koordinasyon ni Secretary Enrique Manalo sa kanilang counterparts na sina Israeli Foreign Minister Eli Cohen at Egyptian Foreign Minister Sameh Shoukry.

Kung maalala, pinayagan na ang ilang indibidwal na lumabas sa Gaza sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah border.


Sa ngayon, inaasikaso na ng DFA ang pagkuha ng permit mula sa mga awtoridad para makatawid na sa border.

Tiniyak din ng DFA na patuloy silang makikipag-communicate sa lahat ng Pinoy sa Gaza para matiyak ang kanilang kaligtasan.

Facebook Comments