Tiniyak ng Police Regional Office 1 ang ligtas na selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ayon sa ahensya, may pakikipagtulungan na ito sa mga LGUs, stakeholders at iba pang law enforcement agencies upang mapaigting ang anti-criminality campaign at kaligtasan ng publiko ngayong Holiday Season.
Ipinakalat na umano sa mga strategic areas ang mga pulis lalo na sa mga matataong lugar Gaya ng mall, simbahan, palengke, terminals, resorts at tourist spots.
Mayroon na ring nakahandang traffic management plan upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa mga araw na mayroong pagtaas ng bilang ng mga sasakyan sa kakalsadahan.
Kaliwat kanan rin ang isinasagawang checkpoints at monitoring sa mga nagbebenta ng paputok upang maiwasan ang anumang insidente at maipatupad ang mga ordinansa ng bawat LGUs.
Nagtayo rin ang pulisya ng Assistance Hubs at Police Assistance Desks upang agad na matulungan at marespondehan ang mga nangangailangan ng tulong.
Siniguro ng ahensya na Naka heightened alert ang Quick Response Teams ng bawat police provincial offices na tutugon sa mga emergencies.
Paalala ng ahensya ireport ang anomang kahina-hinalang aktibidad upang maging mapayapa ang pagtatapos ng 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨