Pinaigting ng Lingayen Police Station ang pagpapatupad ng Ligtas Paskuhan at Oplan SITA bilang bahagi ng paghahanda sa kapaskuhan.
Sa ilalim ng Ligtas Paskuhan, nagsagawa ang mga pulis ng pamamahagi ng flyers at pakikipagdayalogo sa publiko.
Layon nitong paalalahanan ang mamamayan na mag-ingat laban sa krimen, aksidente, at iba pang posibleng panganib ngayong panahon ng pamimili at pagdiriwang.
Hinikayat din ang publiko na maging mapagmatyag, responsable, at aktibong katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa bayan.
Kasabay nito, nagsagawa rin ang kapulisan ng Oplan SITA o Stop and Inspect/Tamang Hinala alinsunod sa mga alituntunin ng Philippine National Police.
Layunin ng operasyon na hadlangan ang kriminal na aktibidad at mapalakas ang police visibility sa komunidad.
Ipinuwesto ang mga pulis sa mga itinalagang checkpoint at mobile patrol routes kung saan isinagawa ang maayos na inspeksyon sa mga kahina-hinalang indibidwal, motorsiklo, at sasakyan.
Tinitiyak naman sa buong operasyon ang koordinasyon sa mga force multipliers at ang pagsunod sa standard operating procedures upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.









