LIGTAS | Philippine Coast Guard, sinagip ang 24 na pasahero mula sa nasiraang motorized banca sa Mindoro

Occidental Mindoro – Matagumpay na na-rescue ng mga Philippine Coast Guard (PCG) Station San Jose kasama ang Marine Environmental Protection Unit (MEPU) at Maritime Safety Administration (MARSAD) ang 24 na pasahero na lulan ng motorized banca “Alto Jay” nang masiraan sa bisinidad na 500 nautical miles northwest ng Barangay Pawican, Ilin, San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, isang concerned ang nag-report na mayroong motor banca na umalis mula Barangay Pag-asa, San Jose at sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng engine trouble habang pumapalaot sa karagatang sakop ng Sibay, Caluya, Antique Occidental Mindoro.

Paliwanag naman ni Captain Carlito Amarila, kapitan ng MBCA Alto Jay bigla umanong tumigil ang bangka dahil ang makina ay nag overheat.


Ligtas naman lahat ng mga pasahero sa naturang motor banca at walang nasaktan sa kanila.

Facebook Comments