LIGTAS | PNP walang namomonitor na banta sa seguridad sa ginagaganap na 51st Asian Development Bank Annual Meeting

Manila, Philippines – Walang namomonitor na banta sa seguridad sa ginaganap na 51st Asian Development Bank annual meeting ang Philippine National Police

Ito ang kinimpirma ni Police Chief Supt . Alfredo Valdez, commander Special Task Group -ADB 2018,

Aniya maayos at mahigpit na nailatag ang seguridad para malaking pagtitipon.


Magkagayunpaman sinabi ni Valdez na bagamat walang banta ay alerto ang kanilang hanay

Una nang inihayag ng PNP na 7, 700 pulis ang ipapakalat sa kasagsagan ng aktibidad kung saan magpapatupad ng major security framework ang PNP para dito.

Ayon naman kay PDG Oscar Albayalde, kaparehong seguridad aniya noong Asean summit sa bansa ang kanilang ipapatupad sa ADB meeting.

Sa ngayon ay mahigit apat na libo na ang mga delegado na nasa bansa para sa pagpupulong.

Kaugnay nito, wala naman aniyang inaasahang gagawing kilos protesta ang NCRPO sa kasagsagan ng ADB meeting 2018.

Tinatayang 3 libong delegado mula sa 67 mga bansang miyembro ng ADB ang dadalo sa malaking aktibidad.

Ito na ang ika limang beses na naghost ang Pilipinas sa ganitong malaking pagtitipon

Layon nang pagtitipon ay makatulong sa pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa

Facebook Comments