LIGTAS SA KAPAHAMAKAN | BJMP at PNP, nagsagawa ng oplan galugad sa loob ng Manila City jail

Manila, Philippines – Tiniyak ng pamunuan ng Bureau of Jail and Management Penology na ligtas sa anumang kapahamakan ang mga dadalaw sa Manila City Jail ngayong kapaskuhan.

Ang pagtiyak ay ginawa ng BJMP Jail Warden Randel Latoza matapos na magsagawa ng Oplan Galugad o Operation Greyhound ang naturang ahensiya katuwang ang PNP upang masiguro na walang mga patalim, baril, alak, ilegal na droga, baraha at iba na nakatago sa naturang bilangguan.

Isa-isang iniinspeksyon ng BJMP at PNP ang mga kubol sa loob ng Manila City Jail para matiyak na walang mangyayaring riot o kaguluhan ang mga inmates ng naturang kulungan kung saan nakakumpiska ng container ng suka na gagawing tuba,isang kutsilyo, mga pako na kalawangin,at sex toys.


Matatandaan na noong nakaraang buwan nagsagawa ng paggalugad ang BJMP at nakakumpiska sila ng alak, patalim, mga baraha, sex toys, mga parapernallas na gamit sa paghithit ng shabu at iba pa sa ibat ibang kubol ng Manila City Jail.

Facebook Comments