LIGTAS | Siguridad ng mga beach-goers sa Dagupan siniguro ng PNP!

Sa pagtaas ng bilang ng mga beachgoers sa Tondaligan Blue Beach ngayong panahon ng bakasyon babantayan ng Philippine National Police Dagupan ang siguridad ng mga ito para sa kaligtasan at kaayusan ng mga bibisita sa mga beach sa lungsod.

Dahil sa pinag-iigting na paalala at pagbabantay ng PNP Dagupan sa siguridad ng bawat turista na naliligo o bibisita sa beach sa Daguapan, naglagay ang mga kapulisan ng Dagupan ng mga karatula para sa kaligtasan ng bawat naliligo. At ang isang mahigpit na pinagbabawal ng kapulisan sa mga taong naliligo ay huwag maliligo ng lasing o nakainom upang maiwasan ang kaso ng pagkalunod.

Para sa karagdagang kaligtasan ng mga residente o mga turista sa Dagupan nakatutulong ang kanilang Oplan Ariwawa na nagsasagawa ng araw-araw na checkpoint at pagpapatrolya ng pulisya sa syudad ng Dagupan.


Dagdag pa ni SPO4 Esteban kung mayroon man silang makitang problema o aksidente huwag dapat magdadalawang isip na sabihin sa kinauukulang naroon upang sa ganun maaksyunan agad at hindi na lumala.

Ulat nina Aris Saygo at Jeremie Escat

Facebook Comments