Pinalalawig sa lungsod ng Dagupan ang aktibidad ng PNP NA Ligtas SUMVAC 2023 na may layong makapagbigay ng mapayapa a ligtas na bakasyon para sa bahaging nasasakupan ng bawat kapulisan.
Alinsunod dito, nagpapatuloy ang operasyon ng PNP Dagupan sa ilang bahagi ng lungsod tulad ng naisagawang inspeksyon sa Pugaro Beach, sa Brgy. Pugaro at Tondaligan Beach sa bahagi ng Brgy. Bonuan.
Magpapatuloy ang nasabing kampanya mula sa buwan ng Abril hanggang sa panahon ng Pista at Flores de Mayo sa buwan ng Mayo.
Paiigtingin ang pagkakaroon ng checkpoints operations, regular na inspeksyon at mobile patrols nang matiyak ang tinatawag na maximised police presence sa mga babantayang bahagi sa Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments