LIGTAS SUMVAC 2025, KASADO NA

Kasado na ang Ligtas SUMVAC 2025 sa buong Pangasinan bilang paghahanda sa anumang banta sa kaligtasan at kalusugan ng publiko.

Kabilang sa tinututukan ng mga awtoridad ang mga dapat tandaan tulag ng palagiang pag-inom ng tubig upang maiwasan ang heat stroke ngayong inaasahan ang pag-init pa ng panahon sa mga susunod na buwan.

Bukod dito, isinusulong din ang maingat na pagmamaneho sa mga kakalsadahan upang maiwasan ang aksidente.

Dagdag ng tanggapan ang pag-iwas sa pagligo at pagmamaneho ng lasing kung bibisita sa mga baybayin.

Kaugnay nito, nauna nang inihayag ng Pangasinan Provincial Police Office na posibleng doblehin ang mga personnel sa mga pook pasyalan na inaasahang lubos na dadagsain ngayong bakasyon.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments