LIGTAS | Tangkang pambo-bomba sa Cotabato, naudlot dahil sa maigting na seguridad ng mga pulis at militar

North Cotabato – Naudlot ang tangkang pambo-bomba ng hinihinalang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsiya ng Cotabato.

Sa ulat, nakatanggap ng intelligence report ang militar at pulisya na may dalawang lalaking saksay ng isang motorsiklo mula sa Barangay Tonganon, Carmen, North Cotabato ang siyang magsasagawa ng plano.

Nagkataon naman na namataan ng mga sundalo malapit na sa kanilang checkpoint sa Sitio Galay, Barangay Kibayao, Carmen, Cotabato ang dalawang suspek pero biglang umiwas ang mga ito sa mga otoridad.


Dahil sa pagmamadali, iniwan nila ang kanilang dalang bag na may lamang bomba kung saan gawa ito sa mga bala ng 81mm at 60mm mortar.

Posibleng pasasabugin daw ng mga terorista ang mga bomba sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Cotabato ngunit iniwan na lamang ito ng mga terorista dahil sa pinaigting na seguridad na pinatutupad ng militar at pulisya.

Facebook Comments