Pormal ng inilunsad ng IPHO Maguindanao ang kanilang Ligtad Tigdas Campaign. Target nito na mabakunahan kontra tigdas ang 124, 199 na mga kabataang nagkakaedad ng 6 – 59 months old mula sa 36 na bayan ng lalawigan ayon pa kay Maguindanao Health Officer Dr. Tahir Sulaik sa panayam ng DXMY.
Sinasabing maliban sa pagbibigay ng libreng bakuna sa mga health centers magsasagawa rin ng house to house visitation at vaccination ang mga health workers ng IPHO dagdag ni Dr. Sulaik.
Base sa record ng IPHO Maguindanao, abot na sa 1, 230 na kaso ng tigdas ang naitala sa buong lalawigan simula noong January hanggang kahapon May 9 2018 , 15 rito ang namatay.
Kabilang sa mga nangungunang mga bayan na may naitalang kaso ay nagmumula sa bayan ng Buluan, 270, Datu Odin Sinsuat 178, Shariff Aguak 96, Sultan Kudarat 63, Mangudadatu 60, Talayan 60 at GSKP 48 . Mula naman sa bayan ng DOS ang limang namatay dahil sa tigdas dagdag ni Dr. Sulaik.
Kaugnay nito hinimok ni Dr. Sulaik ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na pabakunahan kontra tigdas. Magtatagal lamang hanggang buwan ng hunyo ang Special Immunization .