
Natanggap na ng House of Representatives ang opisyal na liham ni Senate President Francis Escudero na ipinadala kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Atty. Princess Abante na syang tagapagsalita ng Kamara, nakasaad sa liham ang paglipat ng iskedyul ng presentasyon ng House prosecution panel kaugnay ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Mula Hunyo 2 ay ini-atras ito sa June 11.
Binanggit ni Abante, na ipinasa na ang liham sa House prosecution panel para sa kanilang nararapat na pag-aksyon.
Facebook Comments









