Kumbinsido ang Malacañang na hindi kukunin ng Tsina ang gas sa Reed Bank sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng babala ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na puwedeng kuhanin ng Tsina ang gas sa Reed Bank kung hindi umano makapagbabayad ang Pilipinas sa utang nitong higit P3 bilyon para sa Chico River Irrigation Project.
Giit ni Panelo, hindi ito mangyayari dahil lagi naman nagbabayad ng utang ang bansa.
Tinatayang nasa 5.4 bilyong barrels ng langis at 55.1 trillion cubic feet ng natural gas ang nasa Reed Bank, na idineklara na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas noong 2016.
Una nang nagbabala ang mga kritiko na talo ang Pilipinas sa pautang ng Tsina dahil bukod sa mataas ang interes, posible pa umanong ari-arian ng bansa ang kapalit.