Likas-Yaman mula sa gagawing Dredging sa Cagayan River, Malaking tulong sa Exportation ng Pamahalaan

Cauayan City, Isabela- Maaari sana na ang pamahalaan na ang magsagawa ng ilang hakbang sakaling makitaan ng likas na minerals isinasagawang dredging ang ilang inotorisang mga pribadong kumpanya sa ginagawang rehabilitasyon sa Cagayan river.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay DENR Regional Executive Director Gwendolyn Balbalan, sakaling mangyari ito ay mismong ang bansa na ang isa sa mga magbebenta ng produkto mula sa minerals sa iba’t ibang bansa sa mundo ay ito rin ang ikinakampanya ng ahensya sa mga madidiskubreng likas na yaman ng Pilipinas.

Ayon pa sa opisyal, ang mga napagkasunduan sa inilatag na Memorandum of Agreement sa pagitan ng pamahalaan at private contractor ay ang magbabayad ang mga ito ng buwis sa gobyerno at bahala na ang mga contractor kung saan nila ibebenta ng mga makukuhang likas na yaman mula sa isasagawang dredging sa Cagayan river.


Ipinunto pa ni Balbalan na hindi binibigyang otorisasyon ang mga contactor na ibenta ang makukuhang likas-yaman gaya ng mineral sa loob ng Philippine territory.

Samantala, ilan sa mga pinaggamitan ng mga ginagawang dredging ay ‘reclamation’ ng airport sa ilang bansa gaya ng Hongkong na ibinebenta naman ng mga contractor.

Facebook Comments