
Hindi pa rin natututo ang ilan sa gitna ng paulit-ulit na paalala: Ang kalsada ay hindi stage ng content creation.
Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang vlogger na nag-viral matapos makuhanan ng video habang gumagamit ng cellphone at gumagawa ng content habang nagmamaneho.
Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, malinaw na paglabag ito sa Anti-Distracted Driving Act at isang uri ng reckless driving. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









