Likod ni dating Secretary Bong Go, inilantad na sa publiko

Pinatunayan na ni dating Special Assistant to the President Bong Go na puro paninira lamang ang lumalabas sa social media na siya ay miyembro umano ng isang sindikato ng iligal na droga.

Inaakusahan kasi si Go na miyembro ng malaking Drug Syndicate ng isang nagngangalang Bikoy at sinasabi nito na mayroong tattoo si Go sa likod na magpapatunay ng kanyang mga sinasabi.

Kaninang umaga naman ay ipinakita ni Go ang kanyang likod sa media sa Prosperidad, Agusan del Sur, upang patunayan na wala siyang tattoo taliwas sa sinabi ng isang alyas Bikoy kumalat na video at sa halip ay makikita na mayroon itong ventosa marks.


Sinabi ni Go, desperadong hakbang na ito ng mga kalaban sa pulitika at malinaw na malinaw naman na hindi siya sangkot sa operasyon sa iligal na droga.

Hinamon naman ni Go ang alyas Bikoy na nagpapakalat ng video na lumantad na sa publiko.

Pinalagan din naman ni Go ang mga kritiko ng administrasyon sa pagdamay sa bunsong anak ni Pangulong Duterte na si Veronica Kitty Duterte sa maruming laro ng mga ito ng pulitika.

Facebook Comments