LILIBAN | Senator Binay, nag-leave bilang Pangulo ng UNA

Manila, Philippines – Naghain ng leave of absence o liliban muna bilang Pangulo ng United Nationalist Alliance o UNA si Senator Nancy Binay.

Si Binay ay nahalal para mamuno sa UNA nito lamang Setyembre.

Sa isang pahinang liham kay UNA Secretary General Atty. JV Bautista ay sinabi ni Binay na ang kanyang leave ay epektibo ngayong araw.


Idinahilan ni Binay sa kanyang hakbang ang mga pangyayari sa kanilang partido pero hindi na niya ito idinetalye.

Ang desisyon ni Binay ay sa gitna ng sigalot sa pagitan ng kanyang mga kapatid na sina Abby at Junjun na parehong tumatakbo sa pagka-Alkalde sa Makati City.

Facebook Comments