LILIMITAHAN | Biyahe ng mga provincial bus sa EDSA – lilimitahan na ng MMDA

Manila, Philippines – Lilimitahan na ng MMDA ang biyahe ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.

Sa inilabas na resolusyon ng Metropolitan Manila Council, hanggang Cubao na lang pwedeng magbaba ng mga pasahero ang lahat ng mga provincial bus na biyaheng pa-Norte habang ang mga galing sa katimugang luzon ay hanggang sa EDSA-Pasay na lang.

Epektibo ito mula alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon hanggang alas 9:00 ng gabi.


Ayon kay MMDA GM Jojo Garcia – sa pamamagitan nito, umaasa silang mababawasan ng 2,000 mula sa 8,000 bus unit ang EDSA tuwing rush hour.

Lifted naman ang coding sa lahat ng provincial bus kapag nasimulan na ito.

Paglilinaw pa ni Garcia, nagkaroon na sila ng konsultasyon sa mga provincial bus operator hinggil sa hakbang ng MMDA.

At kapag nailathala sa loob ng 15 araw o sa July 15, ipatutupad na ang bagong polisiya.

Facebook Comments