Manila, Philippines – Magpapatupad ang gobyerno ng bagong polisiya na layong limitahan ang pagpasok ng foreign workers.
Ito ay sa gitna na rin ng kontrobersiya na dumaraming bilang ng Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III – tinatalakay na ito kasama ang Department of Justice (DOJ).
Aniya, pinag-aaralan ang posibilidad na pailiitin o tuluyang ihinto ang pagbibigay sa Bureau of Immigration (BI) ng authorization sa pag-iisyu ng special working permit.
Sinabi naman ni DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay – maaring limitahan ng gobyerno ang pag-iisyu ng special working permit partikular sa ilang kategorya ng foreign workers.
Aniya, pwede ring hinaan ang effectivity ng special working permit na mas mababa sa anim na buwan.
Noong 2005, binigyan ni dating DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas ang BI ng authorization na mag-isyu ng special working permits sa mga banyaga para makapagtrabaho sa bansa na hindi hihigit sa anim na buwan.