Manila, Philippines – Sinimulan ng talakayin ng House Committee on Public Order and Safety ang panukala na naglilimita sa oras ng paggamit ng videoke at iba pang uri ng sound system.
Sa ilalim ng House bill 1035 na iniakda ni Quezon Rep. Angelina Tan, pinapayagan lamang ang paggamit ng videoke o karaoke machine mula alas-8 ng umaga hanggang 10 ng gabi partikular sa mga residential area.
Maliban sa ingay na dulot nito, may mga away at krimen na naitala na nag-ugat lamang sa videoke.
Bukod sa videoke o karaoke machine, kasama din sa ipagbabawal sa pagpapatugtog ng malakas ang radyo o CD player, television set, amplified musical instrument, drums at mga katulad na kagamitan.
Napatunayan din sa ilang mga pag-aaral ang masamang epekto ng ingay sa kalusugan ng mga tao.
Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P1,000 at pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim na buwan.